Pinoy Celebrities and Twitter

Spoof Twit ni Marian

Naalala ko yung panahon nung hindi pa artista ang kapatid namin at nakiki-usyoso lang ako sa balitang artista (mga panahong 80s).  Sa akin nun, parang milya-milya ang layo ng mga artista – ikanga ng kanta ni Joey Albert – “You’re a star, a million miles away from me”.  Napapanood mo lang sila sa TV at pelikula.  Naririnig mo lang yung mga kanta nila sa radyo.  Nababalitaan mo lang ang buhay nila sa mga magazine na tulad ng Kislap at yung nababasa mo eh kung ano lang yung gusto nilang malaman ng publiko.   Kapag paminsan-minsan na nakikita mo sila sa mga mall at sinehan, kilig na kilig ka pa kasi nga nakakita ka ng artista!

Nung pumasok na si syupatiders sa showbiz, unti-unti, nakakakilala na ako ng mga artista sa personal na level.  Nakakasama ko sila, nakakatawanan, nakakatsismisan.  Minsan, may mga gimik pa na kasama sila.  Dun ko narealize, ay, tao din sila – may mga feelings din, umiiyak din, nalulungkot din, kumakain ng kinakain mo, umiinom ng iniinom mo.  Pero may privacy pa rin.   Hindi lahat ng bagay pinapakita sa mga fans, hindi lahat ng iniisip sinasabi sa harap ng mga tao.  At kahit nga kami, minsan kalkulado rin ang galaw pag sa harap ng ibang tao na hindi namin masyadong kilala – kasi nga sabi ng nanay ko, kahit papaano, dala namin ang pangalan ng kapatid ko.  Mapulaan kami, pati sya pwedeng makitaan ng mali.

Spoof Twit

Lately, may mga isyu tungkol sa artista kaugnay sa mga sinasabi nila sa Twitter.  Hindi naman lahat, pero may mga artista kasi na sobra-sobra pa sa dapat na sabihin ang tini-tweet.  Parang akala mo, ang ka-usap lang eh mga kaibigan lang nila at nasa loob sila ng dressing room sa studio.  Di ko alam kung aware ba sila o talagang sinasadya nila, na yung mga twits nila minsan personal na.  Yung ibang artista akala mo laging naghahanap ng basag-ulo, laging war freak, lahat ng ibang artista inaaway.  Ang iba naman, may sasabihin sa twitter, tapos maya-maya ireretract.  Parang yoyo.

Marami ring sumusunod sa mga twitter accounts ng mga artistang ito ang sobra na rin bastos.  Dahil hindi nila tunay na pangalan, at nakakapagtago sila ng tunay nilang katauhan sa internet, kung makapanglait, magkomento, parang hindi nag-aaral.  Na kung sa kanila gawin yung ginagawa nila, puputok siguro ang bulkan sa galit nila.

Spoof Twit

Kaya hindi ko rin masisis ang mga artista kung lumaban sila sa mga nambabastos sa kanila, kasi nga tao lang sila, nasasaktan.  Pero kung ako kasi sa kanila, wag na silang mag-twit din kasi ng sobra pa sa dapat na ilabas nila sa publiko.  Kung hindi nila kaya ang mga nambabastos, wag na silang sumali sa social networking.  Kung hindi nila kayang mag-restrain ng mga sarili nila sa mga sasabihin nila, na nagmumukha na silang mga palengkera, magkipagchat na lang sila sa YM o sa Facebook chat.  OR katulad nga ng ginagawa ng iba, bino-block na lang yung user, or dedma sa baranggay ang drama.  At dun naman sa mga taong sumusunod sa kanila, baka naman pwedeng kung wala na silang magandang sasabihin, wag na silang magsasalita.  Tutal hindi naman siguro magiging kawalan sa buhay nila kung hindi na sila magrereact o hindi sila manlalait.  Minsan kasi, feeling ko, itong chumochorvang mga taong ito, feeling nila, kapag nanlait sila ng artista para na silang mas mataas na uri na nilalang sa ginagawa nila.  Kasi nga naman, artistang hinahangan ng mga tao, eto at naaalipusta nila to the high heavens.

Spoof Twit

Kung ako ang tatanungin ninyo, yang mga social networking sites na yan, nakakaalis ng misteryo ng mga artista.  Ok lang ako na gamitin nila ito na pang-promote ng mga shows nila, ng mga pelikula nila. Ang maglabas ng mga nakakatawang bagay, o mangalap ng suporta para sa kawanggawa, payag ako dun.  Kasi malakas talaga ang hatak nila sa tao.  Matagal nang napatunayan yan.  Pero yun nga, sana hanggang dun na lang.  As much as sinusundan ko ang mga tweets ng iba sa kanila, (oo, dahil likas akong tsismosa), kapag sobra-sobrang kung ano-ano na ang nilalabas nila tungkol sa sarili nila, in a way, natu-turn off na rin ako.  Kasi nga, artista sila eh.  Dapat kahit na sandamakmak ang mga fans at araw-araw may fans day sila, para na rin sa respetong ibibigay ng publiko sa kanila, kailangan may misteryo pa ring nababalot sa pagkatao nila.  Ikanga, familiarity breeds comtempt.

Diba?  Kasi, otherwise, kanino na lang idededicate ang kanta ni Joey?


(Nakita 27787 beses ng 4964 bisitors)

Showbiz Lang

4/365 days of blogging.

O tutuo pala talaga ang sinabi ni Mahal na bading ka?

Showbiz na kwento lang.  Mga nakakainis at nakakatawang mga isyu lately.

Una na itong si Jimboy na Jimgirl na ngayon na lumabas ng naka-damit babae sa The Buzz.  Katawa-tawa na lang sana. Feeling BB Gandanghari lang?  Kaya lang nainis ako ng sinabi nyang siguro sa kakalive-in nya sa mga bakla, ‘nahawa’ na sya sa kabaklaan nila.  Binara tuloy sya ni Tito Boy A. na hindi sakit ang pagka-bakla  na nakakahawa.  Anuba, lahat ng true-blue baditch, sasabihin na hindi naman nakakahawa ang pagkabading.   So iisipin mo bang tutuo sya?  Cheapenix.  Ang panget ng gimik…

Si Janice Jurado nag-guest naman sa Pilipinas Win na Win.  Umiiyak sya dahil may stigma na sya sa lahat ng tao na addict sya.  Lahat na lang daw ng tao yun na lang lagi ang sinasabi at hindi na sya pinagkakatiwalaan kasi nga addict daw sya.  Sympathetic ako, ha… pero kasi siempre minsan hindi mo maaalis sa mga tao na hindi magtiwala mas lalo na kung paulit-ulit, palagi-lagi ganun ang eksena.  Mahirap talagang ibalik ang kumpyansya sa iyo.  Pero sana nga tutuo na ngayon na talagang nagbago na sya.  May panahon pa.  May chance pa sya.  Yung nakuha nyang pera sa Win na Win, sana nga gamitin nya sa mabuti. Gudlak.

Bakit ba kapag humihiwalay o hindi na nirerenew  ng artista ang kontrata nya sa manager nya, bakit ginagawan ng isyu?  Bakit laging pinepersonal?  Business lang naman yun, diba?  Kung natulungan naman ng manager ang isang artista, eh may nakuha naman silang kumisyon sa mga binigay nilang raket sa mga alaga nila, diba?  Di ko kasi maintindihan yung sobrang reaksyon ni Annabel Rama nung hindi na nag-renew si Heart Evangelista.  Pareho lang naman silang nakinabang sa relasyon nila, diba?  Kahit yung pag-alis ni KC Concepcion sa dati nyang manager na si Shirley Kuan iniintriga.  Mabuti na lang grasyosa naman si Shirley Kuan at hindi sya Bitter Ocampo.  (Dahil ba Star Magic ng ABS-CBN ang kausap nya at mahirap kalabanin ang ABS??)  Pero mabalik kay Heart Evangelista.  Feeling ko, may mas malalim na rason bakit umalis si Heart sa kwadra ni Annabel at may rason balik angry si Annabel.  Feeling ko lang…

At ano ang masasabi ko sa mga celebrity twitters na fino-follow ko:

  • Ang taray talaga ni Kris Aquino sa twitter account nya.  Biruin mo, wala syang fina-follow na ibang tao pero 402,169 ang followers nya.
  • Si Kay Brosas, nakakatawa ang mga twits.
  • Si Ogie Diaz, funny ang twits kasi very witty ang mga sagot nya.
  • Si Jim Paredes, mga mapupulot ka ng mga thoughts sa twits nya.
  • Si Chokoleit, ok lang.  Minsan funny, pero minsan hindi.  Masyado nya rin kasing sineseryoso ang sarili nya.
  • Si Ton Hanks, nakakatuwa kasi may mga videos siyang kasama sa twit nya at maririnig mo boses nya over the video. Parang friend mo lang sya.

(Nakita 15950 beses ng 2913 bisitors)

How Cool Is This????

42/365 days of blogging.


Talagang napaliit na ng internet ang mundo.  Yung mga feeling mo super out of reach, ayun at makikita mo in their most casual moments.

Isipin nyo, isang super-dooper-megastar (hindi si Mega), mababasa nyo ang mga nasa isip nya, makikita nyo ang ginagawa nya sa labas ng mga pelikulang ginagawa nya, maririnig nyo ang boses na hindi scripted ang sinasabi.

Tom Hanks.

One of the actors I love sooo much.  Nasa Twitter, nasa MySpace.  Ang galing, diba?  It makes you really believe, tao din sila.  May buhay din pala sila sa labas nung nakikita mo sa TV at pelikula.

I know, si Ashton Kutcher at Britney Spears milyon-milyon ang mga followers sa twitter. Follower nga rin ako ni Ashton. Pero hindi ako ganun ka-thrilled eh.  Iba pag isang Tom Hanks ang parang barkading mo lang na nag-u-update sa iyo ng mga activities nya for the day.  Wala pala kaming pinag-iba.  Alam din nya ang TwitVid at TwitPic, parang ako.  Kakaaliw.

I love the internet!

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 18954 beses ng 3617 bisitors)