Where’s Da Par-teh???

26/365 days of blogging.

Parang gusto ko nang umuwi.  Last day ng pasok namin itong linggong ito.  Bukas, service reduction day, sa Huwebes, Thanksgiving, sa Byernes, Black Friday.

Kumbaga sa palengke, matumal ang benta.  Pero hindi naman pwedeng umuwi ng maaga.

Hay naku, mag-che-check na lang nga ako ng mga Black Friday ads sa internet.

… walang kwenta rin itong entry na ito.  (hehehehhe)  Eto na lang ang panoorin ninyo.



(Nakita 11917 beses ng 2953 bisitors)

Para Sa Isang Nagdaang Pag-ibig

Hindi naman ako kagandahan.  Pero hindi ko rin naman masasabing dyongitera ang lola nyo.  Nagkaroon naman ako ng mga manliligaw nung nasa grade school at high school.  Nagkaroon pa nga ako ng dalawang kaboyprenan nung 3rd year at 4th year ko.  Sinamang palad na yung aking puppy love nung 4th year ako, nakipag-break sa akin kasi nga, strict ang feyrents ko.  Pero nung panahong nag-aral ako sa USTe, eh talagang hindi ako pinapansin ng mga hombre dun kasi ang type ng mga type ko, mga mestisahin.  Eh hamak akong kayumangging hilaw – as in manilaw-nilaw ang kulay.  Alanganing maputi, alanganing morena, alanganin… period.  Hindi umubra ang bertud ko sa kanilang lahat.

Nung matapos ako ng college at namasukan sa Makati,  medyo parang napansin na ako ulit.  Siguro kasi natuto na akong mag-ayos ng sarili ko at mag-muk-ap.  Na-hide ang mga blemishes at natutong mag-stockings at mag-mini skirt.  Nung nagsimula ako dun, may isang boylet na bagong graduate din na halos kasabay kong pumasok sa upisinang yun.  Ok na sana ang fez value kaya lang twing lumalapit sa akin, kinakatyawan ako ng mga prenships kong mahadera dahil “Jaykel Mackson” daw – nakaputing medyas at itim na sapatos, medyo bitin pa ang pantalon.  Kulang na lang mag-moon walk to the tune of Billy Jean ang background music habang papalapit sa akin.  Di ko masabi sa mga bruhilda, eh kinikilig ako sa kanya eh, kebs nyo ba! Feer freysyur ang lola nyo.

Continue reading Para Sa Isang Nagdaang Pag-ibig

(Nakita 18025 beses ng 3538 bisitors)

Blah-Blah-Blah-Blah-Blah

Minsan, naiisip ko lang…

Bakit si Ate Vi laging may hawak na panyolito?

Bakit ang tao kapag may naamoy na mabaho, kailangan ipaamoy pa sa kausap? (Pakshet! Ang baho nito… amuyin mo, oh!)

…At bakit si Leonardo deCaprio nakakamukha na ni Ramoncito Guttierez???


Leonardo diCaprio Ramoncito Gutierrez
(O, hindi ba… para silang kambal?)

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 18071 beses ng 3422 bisitors)