39/365 days of blogging.
(Grabe, talo Ravens kagabi. Nek taym di na ako talaga manonood. Malas ata ako…)
Gusto ko na ulet bumalik sa pagkuha ng litrato. Sa tutuo lang, ang daming beses na gusto kong kunin ang camera ko at kumuha ng mga magagandang litrato na tulad ng dati pero hindi ko nagagawa dahil sobrang nag-busy ang lola nyo.
Kaya simula ngayon, magkukukuha ako ulet ng litratiks. At ang unang ginawa ko eh sumali ulet sa Litratrong Pinoy. Kaya twing Lunes, yan ang challenge ko sa sarili ko – maghanap o kumuha ng litratong isasali ko sa weekly challenge nila. Tulad nito…
Kuha ko ito nung nagpunta kami ni Bossing sa Virginia. Wala lang. Nagbakasyon lang kasi purgang-purga na kami sa snow. Nagkataon may trans show nung araw na nagpunta kami sa Virginia Beach.
So ito ang unang entry ko (pagkatapos ng pagkaaaaaaaaaahaba-habang panahon) sa kanilang “Bukas” Theme for the week.

(Nakita 13807 beses ng 3184 bisitors)