Posts Tagged ‘Walking’

PostHeaderIcon Ang Hatol Ng Hinampalan

DIABETES!

Syet da pwet, davah? Ideklara bang type-2 diabetic ang lola nyo? Mataas kasi ang resulta ng oral glucose test ko. Ang normal eh 62 mg/dl pero ang sa lola nyo eh 126mg/dl. Kiss na kiss sya dun sa levels ng lower border ng Diabetes Mellitus. Hay naku, eh di siempre, lungkot-lungkutan na ang lola nyo. Isipin ko bang magtuturok na ako ever ng daliri ko para i-test ang blood ko everyday of my life? Pero sabi ni Doc Alegado, “mag-hunos-dili ka Cofradia, at over ka sa pagka-exagge.” (Sort of ganun ang sinabi ni Doc pero nakangiti pa rin, hehehe.)

So nakahinga naman ako ng maluwag.

For now.

Kung mabait ako.

At hindi ako pasaway sa pagkain.

Gudlak sa akin.

Sabi ko nga, magta-try akong baguhin ang aking diet at talagang pramis na pramis na talaga, mag-e-exercise na ako. Para pagdating ng blood tests ko ulit in 3 months time, mas maganda na ang resulta ko. Plus gusto ko na ng bagong salamin at sabi ng optha ko kahapon, di pa raw nya akong pwedeng bigyan ng prescription hanggang hindi normalized ang sugar levels ko. So Swingout Sister Waiting Game ako ngayon.

So ayun, simula pa nung Huwebes, pagkagaling sa doktor, wit na rice ang lola. Wit na rin ang white bread at white sugar. Nung una, mistulang kayang afreyd akong kumain ng kahit na ano pero natatakam sa lasa ng kaning puti. Pero kapag pala ginusto ng isip, susunod talaga ang katawan. Sandali lang akong nag-crave ng kanin tapos wit na. Puro na ako repolyo, karne at isda. At bumili din ako ng exercise video ni Leslie Sansone at George Foreman.

Yung kay Pareng George, nakakaaliw sundan kasi ang cute niya dun sa video. May pa-boxing-boxing pa sya. Masyonda na sya pero kita mo pa ring fit na fit sya atsaka, wala lang, cute lang ang mga galaw nya talaga. Yung kay Leslie naman, ay naku, marami nang nag-a-eye witness na talaga raw “it works!!!!”. Feeling ko nga, it works. Tatlong araw na akong gumagamit nung video, plus nga talagang awat sa kain, bumaba na ako ng 2 lbs in just 2 days. Ang galing, diba?

Sabaders, di ako nakapag-exercise, pero nung Linggo, mistula akong nagworkout ng husto dahil ako ang kasama ni Gabe sa gym for kids nya. Paikot-ikot kami dun sa mga dapat nyang gawin sa gym eh tulo na ng tulo ang pawis ko. Kaloka, Sweaty Pangilinan. Kahapon naman di ako nakapag-exercise pero todo-lakad naman ako sa mga appointments ko. Mamaya, balik ako sa videos ko.

Si bossing ko nga kakatuwa kasi diet na rin sya at sumasama sya kapag nag-e-exercise ako. Nagwa-warm up sya kasama ko tapos maya-maya, go na sya sa exercise bike nya. Afreyd din siguro ang lolo nyo kasi may pagka-masyubis din sya. Kaya palagay ko, dinadaya ako nito – magpapapayat muna bago mag-pa-check up para hindi masabing diabetic din sya. mwehehehehe.

Nakakainis lang na sana naagapan ko ang diabetes ko. Mas ok sanang wala akong iniisip na dagdag na gamot ko na namang kailangang inumin sa umaga (na hirap pa rin akong isama sa routine ko sa araw-araw) at gabi kasama ng mga gamot ko sa puso ko. Pero wit na akong mag-sissy spacek kasi nakain ko naman lahat ng gusto kong kainin. Ikanga, time’s up, Gloria. Magbago ka na. May pedometer pa nga akong iniintay galing sa Kaiser Permanente eh dahil sumali ako sa 10,000 Steps a Day nila.

All in all, I’m still ha-live. I’m still kicking. Yun naman ang imfortant, davah? Charuz!

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 2359 beses ng 343 bisitors)

Archives