At Eto Pa… The Mega Website

Ikanga ni Inang kapag na-ha-hyper at mistulang nagkaka-ADHD sa pagkwento ng mga happenings sa buhay-buhay sa pali-paligid ng mga kama-kamag-anakan.

“At eto pa…”

Alam nyo naman siguro kung gaano ako ka-mega-over-OA fan ni Megastar. Kaya isipin nyo na lang kung ikaw ang kausapin na gumawa ng design ng website nya, hi-hindi ka ba???

HINDEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!

Kaya, mistulang si Mega na tumatanggap ng award para sa best actress, eto lang ang masasabi ko:

“Bimbo, maraming salamat sa pagbigay sa akin ng chance. I labs yu talaga!”

Si Bimbo Isidro ang official webmaster ng official website na Sharon Cuneta Online. Mabait yang si Bimbs… pasensyoso pa. (hehehehe, sa true-true lang).

Kaya mga kafatiran, eto na po, without further adieu, ang isa sa pinaka-pinagkaabalahan ko ng mawala ako pansamantala sa blogosphere, ang design ko ng website ni Ms. Sharon Cuneta.

Ang d-in-esign kong website ni Mega Star

(Nakita 28952 beses ng 5033 bisitors)

Manilena.com

Hokey… nakwento ko ba sa inyo na niregaluhan ako ni Bossing ko ng WACOM Bamboo Fun Drawing Tablet? Kung hindi pa, basahin nyo sya ditech.

So eniweyz-hi-waist, since naaaliw ako sa regalo kong yun, gumawa na ako ng bagong template para sa Manilena.com.

thumbnail

Naisip kong bigla, syet, mukhang kailangan i-revive ko na ang pag-gawa ng mga templates. Ang problema nga lang.. kelan pa? eto nga lang nag-e-effort ako ng kung anik-anik sa mga blogs ko, giraffe na giraffe na ako.

Sa true lang, ang dami kong gustong gawin ang problema ko lang oras. Ang buhay ko talaga sa araw-araw umikot na lang lagi sa trabaho ko – kasama na ang almost 1 million years na tagal na byahe. Tapos sa weekend naman parang nahihiya naman ako kay Bossing na hindi ako mag-asikaso sa balay. Kaya, wish ko na lang talaga. Pero paunti-unti ginagawa ko naman ang mga karir ko. Harinawang, magbunga nga kahit na 50% lang ang effort. Malay ko.. huwanopdisdeys… Good luck na lang sa akin. Emen.

Kanina, pauwi kami ni bossing, may bago na naman syang tough hit. Pero as usual, di ko maalala kaya bukas ko na lang ikukwento sa inyo. hehehehe…

(Nakita 26274 beses ng 4006 bisitors)

Eh Kasi Naman…

Nababasa nyo yung mga ganitong chuchu, davah:

“This website is best viewed at 1024 x 768 or 1152 x 864 monitor resolutions or 800 x 600 but will require scrolling. Also best viewed using Internet Explorer but better with Mozilla Firefox. If you have AOL, open up a separate IE browser.”

Hay naku… kung hindi ba naman. Website mo na nga ang bibisitahin, marami pang requirements-chorva. Magmaganda pa ba?

Naisip ko, bakit kaya hindi na lang:

“This website is best viewed on your computer.” (Kasi baka sa oven mo sya tinitingnan.)

O di kaya:

“This website is best viewed on the internet.” (Kasi baka nasa computer ka nga pero wala pala kayong internet.)

O pwede rin:

“This website is best viewed while awake.” (Kasi baka naman sleepwalking ka sa harap ng computer mong nakakabit sa internet.)

At hebs din:

“This website is best viewed with eyes open.” (Kasi baka naman, gising ka nga sa harap ng computer mong nakakabit sa internet pero nakapikit ka.)

Hay… Yun lang… Dyabu!

(Nakita 17183 beses ng 3755 bisitors)

Commercial…

Isang maiksing commercial.

Inang: (Habang kausap ko sa telepono.) Hello, anak, ang ganda naman ng bago mong design.

Akesh: Saan, madir?

Inang: Dun sa blog mo. Kaya lang parang may mali.

Akesh: Ano’ng mali, madir? (Thought balloon: “Shet, I’m sure, nahalayan sa ichu ng gerlashes.”)

Inang: Kasi, hindi mo matataas ang panty mo kung magkadikit ang tuhod mo.

Akesh: Mader, hindi sya nag-susuot ng panty.

Inang: Eh ano pala? Bakit ganun ang itsura?

Akesh: Eh kasi, mader, nasa CR yan, jumijinggle. Kaya nga magkadikit ang tuhod, baka masilipan kasi.

Inang: Ah… ganun pala yun.

(Nag-moment of silence si Inang.)

Inang: Eh sino naman ang sisilip sa kanya?

Akesh: Wala lang… pipol.

PS. Sa mga nag-comment sa previous entry… sasagot na po ako. Nagbisi-bisihan ang lola dahil mistulang HGTV ang drama ko ngayon.

Related Posts with Thumbnails

(Nakita 12046 beses ng 2417 bisitors)