about
... ay mga personal na mga opinyon, kuro-kuro, kadramahan, kabaliwan at katatawanan. Wala po akong kinalaman sa Batibot na hindi ko pinanood dahil matanda na ako nang lumabas ang programa'ng yun. Bukod sa nawi-weridohan ako kay Pong dahil ang laki-laki nyang pagong pero ang liit-liit ng boses nya.

Ito ako...

Writings
Dear Ate Sienna...
1 2 3 4 5 6 7 8 9
Natawa Ako Dito :)
1 2 3 4 5 6 7 8 9
Samo't-Sari
1 2 3 4 5 6 7 8 9
Nakakayamot!
1 2 3 4 5 7 8 9
My Peborit Pansit
1 2 3 4 5 6 7 8 9
Para Kay Girlie
4 5 6 7 8 9
Lumang Indeks
1 2 3 4 5 6 7 8 9

FA-Q

Home

Pictures

Links

Archives

Manilena Logo

Sinungaling Ka!

(Nakakayamot Isyu 8, October 11, 2002)

Nung maliit ako, lagi akong pinagagalitan nila Inang at Itang kapag nahuhuli nila akong nagsisingungaling. Eh kasi naman, sino ba naman ang gustong mapalo dahil nadiskubre kang nang-away ng kapatid o may pinagagawa sa iyong hindi mo naman nagawa? Scared pa naman ako, mas lalo na kay Inang dahil sa true lang, masakit syang mamalo, ano!

Pero ang laging puntos nila Inang nun, kung lagi raw kasi akong magsisinungaling, hindi na ako paniniwalaan kapag tutuo na ang sinasabi ko. Tipo bang "The Boy Who Cried Wolf". For some reason, tinatamaan ako nun nung bata pa ako.

Nung malaunan, mas lalo na nung tumatanda na ako, naisip ko kung ano nga ang halaga ng nagsasabi ng tutuo. May mga panahon pa rin na hindi ako nagsasabi ng tutuo katulad ng, "Eh kasi, Inang, dumaan pa kami kina Lisa para gumawa ng project" (kahit na ang tutuo eh nagsine kami ni Lisa, yun ang project namin). O, P1,6000 po ang tuition ko ngayon (kahit na ang tutuo eh P1,5000 lang, kasi gusto kong kumain sa McDonald's na kabubukas lang nun sa Recto atsaka gusto kong manuod ng sine). Pero hindi ko na makuhang magsinungaling kapag tinanong ako tulad ng:

"Saan ang party ninyo?"
"Kina Dinnah lang po." Si Dinnah, kapitbahay namin yun.
"May sweet music ba??" Yung sweet, yung slow-drag... Yung magpapatugtog ng Air Supply tapos magkalapit kayong magsasayaw ng ofosit seks. O diba, kadiri? Matanda na ako talaga!
"Hindi ko po alam... siguro po!" Siempre, malay mo naman, diba?
"Wag kang mag-sasayaw nun!"
Hindi na ako kikibo. I kenat pramis yu dat, Inang!

"Saan ka na naman pupunta?"
"Dyan-dyan lang po!" (Talaga namang dyan-dyan lang kasi hindi pa namin alam kung saan kaming pupuntang magbabarkada).

So in other words, namimili na ako kung ano ang dapat kong pagsinungalingan at kung ano ang nangangailangan ng katotohanan. Pero sa true lang, feeling ko alam ni Inang talaga kung nagsasabi ako ng tutuo o hindi at minsan pinababayaan na lang nya ako mas lalo na kung hindi naman ganun katindi ang pinagsinungalingan ko, tulad nga ng sine o McDonald's. (Yun ang bertud ni Inang!)

Hanggang sa nalaman kong mayroong tinatawag na "white lies" at meron "lies". Kasi habang tumatanda ka, nalalaman mo na minsan masakit ang magsabi ng katotohanan. Kung alam mong wala namang mahihita ang pagsabi mo ng hindi naman sya masarap mag-kare-kare, saktan mo pa ba ang damdamin nya? Pero sa isang banda, may mga pagsisinungaling na ang tanging balak eh pansariling motibo o para maiwasan ang tama at nararapat na consequence talaga o para makapanlansi ng ibang tao.

Kapag nais mong magsabi ng labag sa katotohanan, siguro kailangan tanungin mo muna ang sarili mo:
1. May mapipinsala ba kapag hindi ko sinabi ang tutuo?
2. Makakabuti ba o makakadagdag sa kanyang pag-mature ang isang "honest feedback" o gusto ko lang maging madrasta at saktan sya?
3. Kung gawin sa akin ito, ano ang mararamdaman ko?
4. Ang hindi ba pagsabi ng tutuo eh kaduwagan sa parte ko pagmamagandang loob?

Kung nahuhuli mo ang sarili mong laging nagtatago o nagsisinungaling sa mga kamag-anak at kaibigan, siguro kailangan mong usisain ang sarili mo. Minsan ang dahilan daw kung bakit nagsisinungaling ang isang tao ay dahil sa mababang self-esteem. Gusto nilang mag-pa-impress, gusto nilang tanggapin sila ng ibang tao na lebel na akala nila eh batayan ng pagtanggap. Ang pathological liars naman ay ang mga taong hindi na ma-kontrol ang sarili sa pagsisinungaling, kahit na walang rason. Kailangan na nilang makipag-usap sa isang psychiatrist para dito.

Ako, ang hindi ko gusto ay yung pagsisinungaling na ang tanging rason eh makapanlansi ng ibang tao dahil takot silang magsabi ng katotohanan o yung pati ibang tao eh nadadamay na sa kanilang kasinungalingan. Ikanga, hindi lang sarili mo ang binabahiran mo kundi ibang taong wala namang kasalanan. Yung ginagawa nilang rason ang ibang tao o dahil sa mga kasinungalingan nila, pati mga inosenteng tao ay nasasama sa istorya. Ang masama pa nun, ang inosenteng taong nasama sa kasinungalingan ang pinalalabas pang masamang tao...

Ilang beses na akong nakarinig ng ganito, ilang beses nang nangyari sa akin din ito. Ano ang panlaban ko? Wala... madalas tumatahimik na lang ako. Para sa akin, ang bagoong, takpan man daw, aalingasaw pa rin. Ikanga, walang katotohanang hindi lumalabas at walang kasinungalingang hindi nabubunyag sa pagdaan ng panahon. Kapag nangyari ito, ito na ang magvi-vindicate sa'yo. Ano ang rason para labanan mo ang kasinungalingan? "Your word against theirs" lagi yun. Hindi naman ako guilty at kung tutuong nagke-care sila, aalamin naman nila sa akin kung tutuo lahat yun o hindi. Ako, mas gusto kong bumulaga na lang sa taong nagsinungaling ang katotohanang nabuko sya ng mga taong pinagsabihan nya. At duon, maiisip ng mga taong pinagsabihan nya na hindi na sya paniniwalaan pang muli. At ako? Tama nang nagpaka-edukado lang ako sa hindi pagpatol sa kasinungalingan.